top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

2 ex-PNP chiefs, joint forces sa Senado

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 10, 2019
2 min read

ILILIPAT ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson kay Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa ang pagiging chairman ng Senate Committee on Peace and Order.

Klap! Klap! Klap!

◘◘◘

DALAWANG ex-PNP chiefsc ngayon ang senador.

Malaking tulong ito sa kampanya ni P-Digong laban sa iligal na droga.

Ang panalo ni “Bato” ay kumpirmasyon na pabor ang mayorya ng mamamayan sa ‘war on drugs’ ng pamahalaan!

◘◘◘

ALAM ba ninyong malaking bulto ng boto ng mga kandidato ni P-Digong ay nagmula sa Metro Manila?

Ito ay bunga ng estatistikang malaki ang ibinaba ng krimen sa Kamaynilaan!

◘◘◘

SA totoo lang, ang kaliwa’t kanang pagsalakay, pag-aresto at pagsugpo ng krimen sa Metro Manila ang naging daan ng panalo ng mga kandidato ng pangulo.

Aktuwal na saksi at naramdaman ng mga taga-Metro Manila ang peace and order kaya ibinoto nila ang mga kandidato na inendorso ni P-Digong!

◘◘◘

‘SILENT hero’ o tahimik lang sa isang sulok si NCRPO Director General Guillermo Eleazar na halos hindi natutulog para bantayan ang mga pulis.

Nagtrabaho nang todo ang mga pulis at kinastigo naman ni Gen. Eleazar ang mga iskalawag.

‘Yan mismo ang ikinatuwa ng mga taga-Metro Manila!

◘◘◘

ISANG landmark program ng Duterte administration ang peace and order na nakapundasyon sa ‘war on drugs’.

Isang modelo naman ang pagkilos at paggalaw ng NCRPO na padron o modelo ng iba pang police district upang maipatupad nang maayos ang giyera kontra iligal na droga!

◘◘◘

ISANG krisis sa iba’t ibang bansa ang illegal drugs at maraming bansa ang nais kopyahin ang ‘Oplan Tokhang’ ni P-Digong.

Malaking papel ang ginagampanan nina “Bato”, PNP Chief Oscar Albayalde at Gen. Eleazar sa peace and order at ‘war on drugs’.

Magiging bukambibig ang tatlong ito sa Duterte administration!

◘◘◘

SA pagreretiro ni Gen. Albayalde ngayong taon, wala nang iba pang numero-unong dapat pumalit sa kanya kundi si Gen. Eleazar.

Malinaw na nasa tamang direksiyon ang giyera kontra iligal na droga at makatutulong ang pag-akyat ni “Bato” sa Senado!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page