top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mandato ng COA na talupan ang mga ginagastos ng mga taong-gobyerno, period!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 9, 2019
  • 2 min read

DAPAT “DUGYOT PARTYLIST” ANG BINUO NI CARDEMA — Sa ka­bila na 33 anyos na si ex-National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema na ibig sabihin, lampas na ang edad niya para maging representante ng youth partylist kung saan nakasaad sa batas na ang edad ng kinatawan ng kabataan ay hindi bababa sa 25 at hindi hihigit sa 30, pinagpipilitan pa rin niya (Cardema) na siya raw ang dapat maging congressman ng Duterte Youth Partylist.

Gustung-gusto niyang maging con­gress­­man, eh, ‘di sana, “dugyot party­list” ang binuo niya kasi mas bagay ito sa kanyang edad at hindi ang Duterte Youth Partylist, boom!

◘◘◘

MANDATO NG COA NA SIYASATIN ANG KABAN NG BAYAN KUNG WASTO ITONG NAGAGAMIT O HIN­DI — Ang mandato ng Commission on Audit (COA) ay siyasatin ang pera ng bayan na mga nasa tanggapan ng pa­mahalaan upang masigurong wasto ang paggasta ng mga taong-gobyerno sa kaban ng bayan.

Kaya ang sinabi ni P-Duterte na hayaan na lang ng COA ang P5 million Marawi rehab fund na ginamit ng ilang Muslim sa pagdalo sa pilgrimage sa Mecca ay hindi tama kasi kung hahaya­an lang ng COA ang maling paggamit sa pera ng bayan ay tiyak magpipiyesta ang mga “buwaya” sa pagnanakaw sa kaban ng bayan, period!

◘◘◘

DATING BIG BOSS NG BuCor, UTUS-UTUSAN LANG NG PRESO — Sa pagtestigo ni dating Bureau of Cor­rection (BuCor) Director Rafael Ragos sa korte ay sinabi niyang inutusan daw siya ng presong si “Hans Tan” na mag-deliver ng drug money kay dating DOJ secretary at ngayon ay detenidong Sen. Leila de Lima.

Ganu’n? Ang dating big boss ng BuCor, ginawang utus-utusan lang ng preso sa Bilibid? Buwisit!

◘◘◘

EX-BuCor CHIEF RAGOS, DA­PAT GAWING PRINCIPAL SUSPECT SA KALAKARAN NG ILIGAL NA DROGA SA BILIBID — Kung totoo man ang sinabi ni Ragos na ginagawa siyang utusan ng preso, hindi ito dapat gawing state-witness ng gobyerno.

Mas dapat siyang isama sa mga prin­cipal suspect na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa Bilibid kasi bilang big boss ng BuCor, dapat siya ang nag­sasawata ng mga maling gawain sa piitan at hindi nagpapaalila sa mga presong drug lord, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page