Inday Sara, ayaw patakbuhing pangulo MAGDUDUSA LANG — DIGONG

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na dini-discourage niya mismo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na sumabak sa pagka-pangulo o kahit anong posisyon sa nasyunal kasunod na rin ng mga kritisismo na sinapit ng kanilang pamilya noong 2016 Presidential Elections.
“I am discouraging my daughter to run for any national office. Maawa kasi ako,” ani Duterte sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy nitong Sabado ng madaling-araw.
“It’s an entitlement of honor pero, sabihin ko kina Inday at Polong, it doesn’t pay,” ani Duterte maging sa kanyang anak na si Paolo Duterte, na nanalong kongresista sa Lungsod ng Davao. “‘Wag, ‘Day. Magdusa ka. I have to swallow ‘yung mga ginagawa sa inyo,” sabi ni P-Duterte.
Matatandaang, hindi ito ang unang beses na tinutulan ng pangulo ang posibleng pagtakbo ni Inday sa pampanguluang halalan.





Comments