top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

'Di raw siya nambabae kaya sila naghiwalay… SIGAW NI ROMNICK: HARLENE, MAS UNANG NAGKA-BF!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 9, 2019
3 min read

SA presscon ng Clarita, naka­­u­sap ng press ang aktor na si Romnick Sarmenta at agad na naitanong sa kanya ang tungkol sa kan­yang estranged wife na si Harlene Bautista.

May bali-balita kasing may bago nang boyfriend si Harlene, ang da­ting kasamahan nito sa That’s Entertainment na si Neil Eugenio.

Halos mag-iisang taon pa lang mula nang mabalitang naghiwalay na sina Romnick at Harlene.

Umpisa ni Romnick, “I really cannot say anything about it because no matter what you say naman, people are going to twist it.

“And nothing new, the people will react and comment, they’re just going to say, ‘Ah, ganyan.’

“I choose not to. The most important thing is she’s happy.

“And if she’s happy, I’m good, perfectly good,” naka­ngiti niyang sagot.

“The last thing I don’t want my kid to see is merong isang hindi masaya.

“Dapat makita ni­la na pareho kaming okey para masabi nila na, ‘Ah, wala naman palang nagbago, okey naman pala, ma­saya siya, masaya siya. Masaya kami.’”

Pero bilang ama, sinabi ni Romnick na dapat ay maayos ang pakikitungo ng boyfriend ni Harlene sa mga anak nila ng nakahiwalay na asawa.

“Dapat, dapat. Dapat maayos ang pakikitungo sa mga anak ko.

“I don’t even think it’s a negotiable thing. Automatic ‘yun na da­pat maayos ka sa mga bata. ‘Pag hin­di, ibang usapan na ‘yun.”

Binigyang-diin din ni Romnick na walang gulo at walang third party sa hiwalayan nila ni Harlene.

“Wala naman dapat,” sambit niya.

“I think it’s safe to say na unang-una… Nakakatawa nga, may isa akong kaibigan na lumapit sa akin at sinabing, ‘Nahuli ka ba?’” na ang ibig sabihin ay kung nahuli raw ba siya ni Harlene na may kasamang ibang babae.

Sey niya, “MMDA, nahuli ako, color coding. Pero ‘yung iniisip mo, hindi. Wala akong ganu’n.

“So, wala naman talagang third party, wala naman talagang ibang gritty na dahilan kung bakit kami nagkahiwalay.

“It’s just something that has happened along the way and, you know, I guess we woke up realizing na eto na ‘yun.”

Mabilis namang kinontra ni Romnick ang nasambit na biro ni Harlene sa isang interview na naunang nagkaroon ng bagong love life ang aktor kesa sa kanya.

“Hindi, ah, nauna siya!” sey ng aktor.

Inaamin naman ni Romnick na kung may love life si Harlene, may mga idine-date na rin siya.

Paliwanag niya, “I go out with different people. Siyempre, nagtingin-tingin din ako.

“Ang ayaw ko sa lahat, ‘yung may ipakikilala ako sa mga anak ko na pagkatapos nang ilang buwan, may iba ka na namang ipapakilala… may mali roon, eh.

“I just wanna make sure that whoever I introduce to my kids, maayos na ‘yun.”

Inamin ni Romnick na may isang natatangi sa mga idine-date niya.

Nakangiti niyang sabi, “Meron naman akong… for lack of a better word, kinikilala nang husto, para ma­ayos. She’s a little younger than me... little lang, hindi sobra.”

Nagbiro si Romnick at sinabing 19-year-old ang tinutukoy niyang babae, pero mabilis niya itong binawi kasunod ng paliwanag kung bakit ayaw niya ng mga mas bata nang maraming taon sa kanya.

Aniya, “Nakakahiya ‘yun. Ang pa­nganay ko, beinte-uno, parang mali.

“‘Pag umabot na nang 10 years younger than me, medyo natatakot na ako. ‘Kalokohan ba ‘tong ginagawa ko?’”

Ibinahagi rin ni Romnick ang nara­ramdamang hirap sa adjustment ng “single status” niya sa ngayon.

Aniya, “Oo, sobra. I think it’s because we were married for almost 20 years, eh. And it’s really more of… I’m not trying to play this in anyways, ha? ‘Yun bang sanay ka na gabi-gabi, katabi ko ang mga anak ko sa pagtulog.

“So, nu’ng nag-separate kami at humiwalay ako ng bahay, ‘yun ‘yung number one na medyo pagtingin mo sa kabila, ‘Anak ng tipaklong, ano’ng gina­gawa ko rito? Bakit wala akong katabing bata?’

“There are times na it gets to you. It always get to you. Kasi sanay na ako talaga sa mga anak ko.”

Paliwanag pa ni Romnick sa kanyang sitwasyon, “You have to be very positive with it. At the end of the day, palagi ko pa ring sinasabi, siyempre, may mga nagtatanong, ‘yung mga newlywed couples, ‘Mahirap ba, ganyan ba?’

“Hindi, I’d still say that getting married was still the best [thing] that ever happened to me.

“I have five beautiful children that I would never get kung hindi ako nagpakasal, ‘di ba?”

Samantala, bukod kay Romnick, kasama rin sa cast ng horror film na Clarita na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria sina Arron Villaflor, Alyssa Muhlach at Ricky Davao.

Mula ito sa direksiyon ni Derick Cabrido na mapapanood na ngayong June 12.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page