Dating mayor, arestado sa kasong graft

DINAKIP ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang dating alkalde sa Muñoz City, Nueva Ecija dahil sa kinahaharap nitong kasong graft.
Sa bisa ng arrest warrant, isinakatuparan ang pagdakip kay Efren Alvarez nitong Biyernes ng gabi sa Bayuga Street, Bgy. Poblacion South nang matunton ito ng Intelligence operatives ng Nueva Ecija Provincial Police Office at CIDG Regional Police Office 3 (PRO3).
Si Alvarez ay kapatid ng kasalukuyang alkalde ng Science City of Muñoz. Noong 2009 nang pang guilty ng Sandiganbayan si Alvarez sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa maanomalyang pagpapatayo ng shopping mall sa lupang pag-aari ng gobyerno sa Muñoz.





Comments