top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Bisikleta ninakaw, huli sa CCTV | TRIKE DRIVER TINARAKAN SA LEEG, UTAS

Jeff Tumbado
Jun 9, 2019
1 min read

ISANG tricycle driver ang pinagsasaksak habang ito ay natutulog sa loob ng kanyang ipinapasadang tricycle sa Mandaue City, gabi ng Biyernes.

Agad binawian ng buhay sanhi ng tatlong tama ng saksak sa leeg at kilikili ang biktima na si Dale Abayon, 37.

Kusang-loob namang sumuko ang suspek na sinasabing kilala ng biktima. Batay sa imbestigasyon, naganap ang krimen sa Bgy. Cabangcalan, alas-11:00 ng gabi habang natutulog si Abayon sa kanyang tricycle.

Kinaumagahan, ang mismong suspek umano ang nagtungo sa himpilan ng pulisya at kanyang ini-report ang ginawa nitong krimen.

Naiwan pang nakatarak ang kutsilyo sa leeg ng biktima nang madatnan ng mga pulis.

Sa pahayag ng suspek, sinadya niyang patayin ang biktima sa sobrang galit nito dahil ninakaw umano ni Abayon ang kanyang bisikleta.

Nalaman niyang si Abayon umano ang nagnakaw sa bisikleta nito base na rin sa kuha ng CCTV sa lugar.

Kasong murder ang kinahaharap ng suspek kaugnay sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page