top of page
Pokwang.jpg

3 tiklo sa 1.6-M droga

Levi Gonzales
Jun 9, 2019
1 min read

ARESTADO ang tatlo umanong tulak ng iligal na droga makaraang makumpiska sa kanila ang halos nasa P1,600,000 halaga ng shabu sa Bgy. Darasa, Tanauan City, Batangas.

Ikinasa ng mga operatiba ang buy-bust operation laban sa mga suspek na sina Elmar JD Velado, 20; Mohammad Habbir Usman, 20, at Abdulwalid Usman, 18, mga residente ng Bgy. Esteban, Dasmariñas, Cavite.

Ala-1:30 ng madaling-araw nang magkunwaring buyer ng iligal na droga ang isang confidential asset at nakabili sa mga ito.

Agad silang dinakip hanggang sa lumantad ang nasa 500 gramo ng pinaniniwalaang shabu.

Narekober sa kanila ang 650 piraso ng tig-iisang libong pisong pekeng pera na siyang ginamit bilang marked money, mga cellphone at ID.

Ang tatlong naaresto ay kabilang at pinakabatang high value drug suspect at matagal nang mino-monitor ng mga awtoridad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page