top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Naghamon ng away | LALAKI NABARIL ANG SARILI

Maeng Santos
Jun 8, 2019
1 min read

SA ospital ang bagsak ng lalaking nagwala at naghamon umano ng away habang armado ng baril matapos aksidenteng mabaril ang kanyang sarili sa Valenzuela City.

Ginagamot sa ospital si Julio Capaz, Jr. alyas Ontoy, 40, ng Bgy. Gen T. De Leon na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang paa.

Sa nakarating na ulat kay acting Valenzuela Police Chief Colonel Carlito Gaces, alas-9:15 ng gabi, ipinaalam sa pulisya ng isang concerned citizen na ang suspek ay armado ng baril habang nagwawala at naghahamon ng away sa kahabaan ng Bo. Bitik, Medina Street.

Rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 1 sa lugar kung saan sinabi sa kanila ng mga residente na dinala ang suspek ng kanyang kaibigan na si Joshua Adriano sa ospital.

Nang komprontahin ng pulis ang suspek, sinabi nito na aksidente niyang nabaril ang kanyang sarili at ang ginamit na baril ay kinuha niya sa kaibigan na si Adriano.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page