top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MRT at LRT nagkaaberya

Gina Plenago
Jun 8, 2019
1 min read

PINABABA ang nasa 850 pasahero ng MRT-3 matapos magkaaberya ang tren sa Boni Station northbound pasado alas-5:00 ng hapon, kahapon.

Ayon sa pamunuan ng MRT, electrical failure sa motor ang sanhi ng aberya. Sumakay naman sa kasunod na tren ang mga pasahero na dumating 7 minuto matapos silang pababain.

Samantala, nakaranas din ng aberya sa biyahe ng line 2 ng LRT. Pasado alas-10:00 ng umaga kahapon nang mag-tweet ang LRT-2 na suspendido muna ang operasyon ng kanilang mga tren dahil sa technical problem.

Alas-9:54 ng umaga nang ideklara ang code red sa LRT-2. Wala namang partikular na dahilan na binanggit ang pamunuan ng LRT-2 sa nangyaring aberya pero, ang problema ay sa bahagi ng Cubao Station.

Dahil sa nasabing aberya, pinababa ang mga pasahero na nasa platform na ng LRT-2.

Sa bahagi ng Katipunan Station, pinababa ang mga pasahero at inabisuhan silang suspendido ang operasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page