Mister sapol sa kidlat, dedo

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang magsasaka matapos tamaan ng kidlat sa baybaying-dagat ng Bgy. Kuyaoyao, Calauag, Quezon.
Pasado alas-3:00 ng hapon, sakay ng kanyang bangkang de-motor ang biktimang si Jose Bujatin, 60, ng Bgy. Pinagsakayan.
Habang papalapit ang kanyang bangka sa pampang nang biglang kumidlat at direkta siyang tinamaan nito.
Nagkikisay itong bumagsak kung saan agad nirespondehan ng mga tao sa lugar saka dinala sa ospital subalit, binawian din ito ng buhay.





Comments