Bagitong may koneksiyon o datihang may expertise, bagong maghahari sa Kamara, abangan!

MALINAW ang payo ng mga beteranong mambabatas sa mga bagong halal nilang kasamahan.
Igalang at irespeto ang mga may karanasan, mas may kuwalipikasyon at nakatatanda!
◘◘◘
ANGKOP ang payong ito sa bangayan sa pagka-Speaker sa Kamara.
Saan kayo papabor: Bagito na may koneksiyon o datihan na may sapat na expertise?
◘◘◘
HINDI puwedeng porma-porma o tipong haragan sa kalye ang mga baguhan.
Hindi puwedeng dahil konektado sa pamilya ni P-Digong ay maghahari-harian na!
◘◘◘
HINDI rin maaaring dahil konektado sa mga big- time businessman ay tatangkain nang kontrolin ng bagito ang buong Kamara ng mga representante.
Isip-isip din minsan!
◘◘◘
PABOR tayo sa ating kapwa kolumnista na si dating Press Secretary Rigoberto Tiglao nang kanyang punahin ang 41-anyos na si Marinduque Rep. Lord AllanVelasco.
Bukod sa hindi kilala si Velasco ay 2-term congressman lamang ito!
◘◘◘
BATAY din sa rekord, minsan nang natalo si Velasco kay Regina Reyes na may lamang na 4,000 boto sa aktuwal na bilangan.
At naupo lamang si Velasco gamit ang “teknikalidad” nang madiskuwalipika si Reyes sa isyu ng citizenship!
◘◘◘
SABI ni Tiglao, “Why on earth this 41 year old congressman who had troubled route to his congressional seat, have the gall to think he can be Speaker, in the league of such political titans as the late Ramon Mitra, Jose de Venecia, Manuel Villar and Gloria Macapagal Arroyo”.
Mabigat ang pahayag na ‘yan na dapat maunawaan ni Velasco!
◘◘◘
NAKAPAGTATAKA namang pinababa ng mga kongresista ang kanilang pagkatao at sinisira nila ang dignidad ng institusyon.
May “pera-pera” o wala, maaari bang maging lider ng 300 mambabatas ang isang bagito na wala pang napatunayan sa larangan ng politika, leadership at mastery ng rules sa Kamara?
◘◘◘
KAHIT sa maseselang isyu na napapagitna ang mag-amang P-Digong at Meyor Sara, hindi naman nagtangka si Velasco na idepensa ang kanyang ipinagyayabang na koneksiyon.
“Binakuran” lang nito si Meyor Sara sa panahon ng kampanya ng HNP at presto—nangarap na agad siya ng “langit”!
◘◘◘
SA mga lalawigan, kapag kursunada mo ang dalaga sa ‘public dance party’, didikitan mo ito at hindi lulubayan ng kuwentuhan.
Layunin nitong walang ibang ‘lalaki’ na makaporma sa panliligaw.
‘Yan ang eksaktong paglalarawan kaya ikinakalat na nakadikit si Velasco kay Mayor Sara.
Nabakuran niya ito nang todo noong panahon ng kampanya!
◘◘◘
SINASABING nang mapalitan si dating Speaker Pantaleon Alvarez, tinangka ni Velasco na palitan si Deputy Speaker Rudy Fariñas.
Pero, napurdoy din siya kasi pinasaringan siya mismo ni Alvarez.
Ang lihim na payo sa kanya, humarap sa salamin at maging praktikal!





Comments