‘Ika nga, “patience is a virtue”, mga besh! TIPS PARA HUMABA ANG PASENSIYA SA KABILA NG MGA PROBLEMA
- Justine Daguno
- Jun 8, 2019
- 2 min read

‘IKA nga nila, “ang pikon ay laging talo”, kaya ngayong kaliwa’t kanan na ang mga nakai-stress na bagay, kailangan tayo ay palaging may baon ng mahabang pasensiya, saanman tayo magpunta.
Narito ang ilang paraan para matutunan natin kung paano maging pasensiyosa/pasensiyosong tao:
1. PRACTICE MINDFULNESS. Sa mainit na sitwasyon, panalo palagi ang taong kalmado. Minsan, may mga pagkakataong dinarapuan talaga ng kamalasan ang tao. ‘Yung tipong late ka na, nagpa-gas pa si kuyang driver? Jusko talaga! Gayunman, huwag kang magpaparinig o magdadabog kasi sa huli, wala ring mangyayari at masisira lang ang araw mo. Tamang inhale-exhale lang ‘yan, beshy!
2. BE PLAYFUL. Ayon sa ilang pag-aaral, ang pagdi-distract sa sarili ay epektibong paraan para mawala ang inis ng tao. Kaya, makabubuti kung magpapaka-busy tayo o gagawa ng mga bagay na malayo sa kinaiinisan natin. Maaari tayong kumanta o makinig ng musika, manood ng mga funny video at iba pa.
3. PRACTICE BEING A GOOD LISTENER. Ang hindi pakikinig sa isa’t isa ang madalas na dahilan kaya nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan. Mag-focus tayo sa pang-unawa ng sitwasyon kaysa sa pag-iisip ng maaari nating itugon sa ating kausap, ganern!
4. DON’T RUSH. Anumang bagay na minamadali, malaking resulta nito ay mali. Sabi nga nila, “slowy but surely”. Marami sa atin ang tila palaging naghahabol ng oras kaya imbes na maayos ang ginagawa, nagiging ‘mema’. Tandaan, na may mga bagay na kinakailangan ng mahabang oras o panahon.
5. LOWER YOUR EXPECTATIONS. Kasabay sa pagkakaroon ng mahabang pasensiya ang pagbaba ng expectations natin sa anumang bagay o sinumang tao. Ang pagkadismaya ang isa sa mga dahilan kaya madaling naiirita o naaasar ang tao. Dapat nating matutunan na sa buhay ay marami tayong dapat ikonsidera depende sa kakayahan o personalidad ng ating kapwa.
6. LAUGH IT OFF. Kapag nagkamali tayo o naapektuhan sa pagkakamali ng iba, hangga’t maaari ay huwag natin itong idaan sa init ng ulo dahil paniguradong ang kasunod nito ay gulo. Kung mapapansin natin, marami ang napipikon o naiinis kapag may natatawa o idinaraan sa biro ng iba ang kanilang pagkakamali, malamang, paraan nila ‘yun para hindi masyadong lumala o gumaan kaagad ang sitwasyon, pero siyempre, dapat sa susunod, make sure na makababawi tayo, gets mo?
7. SET GOALS. Ang taong walang goal sa buhay ay magulo ang isip, pabagu-bago ng desisyon, hindi marunong umunawa at toxic sa kapwa. Kaya, makabubuti kung mayroon tayong goals dahil magandang ideya ito para magkaroon tayo ng organisadong buhay.
Bagama’t, hindi madali ang stress-free life, kung sisimulan natin ito sa ating sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon nang mahabang pasensiya sa iba, posibleng sa mga susunod na pagkakataon ay easy na lang natin itong magagawa.
Tandaan, patience is a virtue! Gets mo?





Comments