Nag-rape joke sa PBB in-evict, P-Digong, 'di kaya lalong uminit sa ABS-CBN? Hmmm...

DAHIL NA FORCED EVICT ANG NAG-‘RAPE JOKE’ SA PBB, HINDI KAYA LALONG UMINIT SI P-DUTERTE SA ABS-CBN?— Pinalabas sa bahay ni Kuya o sa programang Pinoy Big Brother (PBB) ng ABS-CBN si Banjo Dangalan dahil hindi nagustuhan ni Big Brother ang ‘rape joke’ nito.
Naku, baka lalong uminit si P-Duterte sa ABS-CBN na pinagbantaan niyang hindi ire-renew ang contract next year kasi ang nag-‘rape joke’ sa kanilang programa ay sinibak, gayung alam naman ng network na mahilig ang pangulo na mag-‘rape joke’, boom!
◘◘◘
DEPED SEC., IMBES NA SUPORTAHAN ANG MGA GURO, KINUTYA PA—Imbes na suportahan ay kinutya pa ni DepEd Sec. Leonor Briones ang mga guro na kesyo drama lang daw ng mga ito ang naka-post sa social media na ang C.R. sa Bacoor Public School ay ginawang faculty room ng ilang guro.
Noon, marami ang humahanga kay Lola Leonor kapag binabatikos niya ang mga kapalpakan ng administrasyong Aquino, pero nang mapabilang siya sa gabinete ni P-Duterte, nag-iba ang pakikitungo nito dahil naging magaspang ang kanyang pag-uugali, pwe!
◘◘◘
KUNG MAKAPAGSALITA SI SEC. BRIONES, PARANG MALIIT ANG SAHOD NIYANG P320K MONTHLY—Sinabihan ni Sec. Briones ang mga guro na humihirit ng dagdag-sahod na ang pagtuturo raw ay dapat walang katapat na pera.
Kung makapagsalita si Sec. Briones, feeling niya maliit din ang kanyang suweldo na mahigit P320K kada buwan, boom!
◘◘◘
MGA KUBRADOR SA LOTTENG NI ‘ONIE’ SA LAS PIÑAS, MGA DRUG PUSHER DIN — Ang mga kubrador daw ni “Onie” sa kanyang raket na lotteng ay mga drug pusher din daw ng shabu sa Las Piñas City.
O, ano Mayor Mel Aguilar at Col. Simnar Gran, “nganga” na lang ba kayo sa raket ni “Onie”? Aba, aksiyon na, ipa-”tokhang” n’yo na ang iligalistang ito, dali!





Comments