top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Miyembro ng International Drug Syndicate, timbog

  • Jeff Tumbado
  • Jun 7, 2019
  • 1 min read

NATIMBOG ng pulisya ang hinihinalang miyembro ng International Drug Syndicate na kumikilos sa Dubai sa inilatag na drug bust operation sa Talisay City, Cebu.

Armado ng search warrant, sinalakay ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit at Intelligence Branch ng Talisay City Police ang pinagkukublihan ng target na si Mark Anthony Navarrete Toh, 28, alyas Makoy sa Bgy. Dumlog, ala-1:00 ng madaling-araw ng Huwebes.

Kabilang sa mga nahuli ang dalawang kasamahan ni Toh na sina Ruferd Gella at Juanito Amahan, Jr.

Ayon kay Police Lt. Col. Marlu Conag, nasamsam nila mula sa posesyon ng mga suspek ang nasa 21 gramo ng shabu na nagkakahalagang P146,000.

Sinabi ni Conag na agad ikinasa ang operasyon laban sa grupo ni Toh dahil sunud-sunod ang kanilang natatanggap na impormasyon hinggil sa illegal drug activities ng mga ito sa nabanggit na lugar.

Kalaunan ay positibong nabunyag sa intelligence report na si Toh ay isa sa mga miyembro ng international drug group.

Dati na rin aniya na nahuli si Toh noong 2017 sa Dubai dahil sa iligal na droga at nang makalaya ay umuwi ng Pilipinas kung saan ipinagpatuloy nito ang pagsusuplay ng droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page