top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga pulis na nakikisali sa iligal na investment schemes, lagot!

  • Ryan B. Sison
  • Jun 7, 2019
  • 1 min read

MAHALAGANG bagay ang pag-i-invest, lalo na ngayong napakahirap ng buhay, ‘yun nga lang ang nakalu­lungkot, may mga indibidwal na gi­nagawa itong negosyo para lamang manamantala at manloko.

Sa ngayon ay may iba’t ibang in­vestment schemes sa Davao Region kung saan magsasagawa ng imbesti­gas­yon ang Regional Inter-Agency Task Force hinggil sa mga investment company na kulang sa dokumento o hindi angkop sa kanilang negosyo ang ini-apply nilang permit.

Gayunman, ang nasabing aksiyon ay pangungunahan ng Securities and Exchange Commission (SEC) at iba pang awtoridad.

Kung saan kukuha ng permit ang mga magsisilbing agent ng mga kum­panya upang ma-regulate ang mga indibidwal na nanghihikayat ng mga tao na pumasok sa investment schemes.

Dagdag pa rito, maging ang mga pulis na nag-i-invest sa mga iligal na investment company ay babantayan at posibleng sampahan ng kaso.

Samantala, kung ayaw ninyong ma­loko, mainam kung bago mag-invest ay pag-aaralan muna ninyo itong mabuti at kung kinakailangang humingi ng tulong sa mga taong mas nakaaalam hinggil sa mga ganitong kalakaran, gawin!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page