Mga pagkain na dapat iwasan ng mga taong may mataas na uric acid
- BULGAR
- Jun 7, 2019
- 2 min read
Dear Doc. Shane, Ano ang ibig sabihin kapag may cyst sa kidney, cancer ba ‘yun? Maaari ba ninyong talakayin kung ano ang sanhi nito, gayundin, ang mga dapat iwasan upang hindi ito lumala? — Eddie
Sagot Ang madalas at sobrang consumption ng mga pagkain at inumin na mataas sa uric acid ay hindi makabubuti sa kalusugan ng tao.
Narito ang mga pagkain at inumin na makabubuting iwasan ng mga taong may mataas na uric acid:
Laman-loob ng hayop tulad ng bituka ng baboy o manok at iba pa
ilang isda at seafoods tulad ng mga dilis, tuyo, sardinas, lobster, scallops at hipon
mabutong gulay kabilang ang nuts at beans
alcoholic at mabulang inumin tulad ng softdrinks, alak at sabaw ng buko
pagkain na may sangkap na yeast, halimbawa, tinapay na may pampaalsa
inuming dumaan sa fermentation tulad ng beer, wine at iba pang alcoholic beverages
kape, tsokolate at iba pang galing sa beans at nuts
Ang normal values ng uric acid sa dugo para sa kababaihan ay mula 2.4 hanggang 6.0 miligrams per deciliter at para sa kalalakihan ay mula 3.4 hanggang 7.0 milligrams per deciliter.
Sa panahong lumagpas sa acceptable level ang uric acid sa dugo ay maaari itong magdulot ng problemang-pangkalusugan tulad ng gout, metabolic acidosis o ang pagbaba ng alkalinity sa dugo, lead poisoning, leukemia, toxemia o impeksiyon sa dugo at renal disease tulad ng kidney stones at kidney cysts na kapag hindi naagapan ay maaaring mauwi sa kidney failure.
Karaniwan ng natutunaw ang uric acid sa dugo, dumadaloy sa kidneys at inilalabas ng katawan sa pag-ihi subalit, kapag dumami ng lubha ang accumulation ng uric acid at hindi nailabas ng katawan ay nagreresulta ito sa kondisyon na tinatawag na hyperuricemia.
Maaaring maapektuhan ng lubhang pagdami ng uric acid ang parehong kidneys ng pasyente, kapwa sa pagkakaroon ng mga bato at bukol o cysts.
Ang kidney cysts ay maaaring mauwi sa mga kumplikasyon tulad ng pagkakaroon ng impeksiyon na nagdudulot ng lagnat at pananakit o pamamaga ng cysts na maaaring humantong sa pagputok nito at urine obstruction kung saan naapektuhan ng mga tumubong bukol sa kidneys.
Comments