Matapos kumalat na break na sila ni Joshua... SIGAW NI JULIA: GUSTO KO SA LALAKI, MATALINO
- BULGAR

- Jun 7, 2019
- 1 min read

GUESSING game pa rin hanggang ngayon kung ano ang tunay na dahilan ng breakup nina Julia Barretto at Joshua Garcia (if ever na totoong break na nga sila… o baka cool-off lang?).
Seloso raw masyado si Joshua, ayon na rin mismo kay Julia.
So, may ibang guy bang pumoporma kay Julia kahit na boyfriend na niya si Joshua?
May nang-iintriga naman sa sinabi ni Julia na ang gusto niya sa isang lalaki, eh, ‘yung smart dahil isa siyang conversationalist. Gusto niyang marami siyang natututunang bagay sa isang guy kapag kausap niya.
Ang pahayag na ito ni Julia ay sinabi niya sa interview sa kanya ng BFF niyang si Erich Gonzales sa vlog nito.





Comments