top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kasama ang misis | KELOT, NIRATRAT NG TSERMAN

Jeff Tumbado
Jun 7, 2019
1 min read

PAPUNTA sana sa Mosque para magdasal ang isang lalaki dahil sa pagtatapos ng Eid’l Fitr nang pagbabarilin ito ng barangay chairman sa Sirawai, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang biktima na si Arconado Banguih Saing, 45, habang suspek ang chairman ng Bgy. Balonkan na si Gani Waja.

Ayon kay Police Major Helen Galvez, alas-7:00 ng gabi ng Miyerkules, kasama ng biktima ang kanyang asawa na si Jamjariah Saing nang bigla na lang itong tambangan ni Waja sa Bgy. Lubok.

Limang tama ng bala sa katawan ang tinamo ng biktima na ngayon ay patuloy na ginagamot sa ospital.

Hindi pa rin mabatid ang motibo ng suspek sa pamamaril at patuloy na tinutugis ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page