Ex-PNP Chief Purisima, pinayagang mag-abroad

BINIGYAN ng go-signal ng Sandiganbayan na makabiyahe patungong Taipei, Taiwan si dating Philippine National Police Chief retired Director General Alan Purisima.
Tatagal ng apat na araw o mula Hunyo 16 hanggang 20 ang biyahe ni Purisima kasama ang kanyang pamilya.
Inaprubahan ng Sandiganbayan 6th Division ang mosyon ni Purisima sa kabila ng pagtutol ng prosekusyon.
May katulad ding mosyon na nakahain sa 2nd Division ng Anti-Graft Court, ngunit, naghihintay pa ng lagda ng mga Mahistrado ang travel authority nito.
Si Purisima ay nahaharap sa kasong graft at perjury dahil sa umano’y maanomalyang paglagda nito ng memorandum of agreement sa Werfast Documentary Agency para sa computerized system ng renewal ng lisensiya ng baril at ang sinasabing pagsisinungaling sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) sa loob ng walong taon.





Comments