Bebot nag-bomb joke sa LRT, arestado

MULING pinaalalahanan ng Pasay City Police ang mga pasahero na huwag magbibitiw ng “bomb joke” sa anumang lugar.
Ito ay makaraang hulihin ng mga awtoridad ang babaeng pasahero dahil sa biro tungkol sa bomba habang papasok ng LRT-Line 1 sa Baclaran Station nitong Martes.
Kinilala ni Pasay City Police Chief Col. Bernard Yang ang babaeng nagbiro na si Maribeth Florentino, 23, ng Sta. Quiteria, Caloocan City.
Dahil sa bomb joke, ininspeksiyon ng guwardiya ng LRT-1 ang bag ni Florentino para makita kung may dala siyang bomba.
Bagama’t, walang lamang bomba ang bag, hinuli pa rin si Florentino at nai-turnover sa Baclaran Police Community Precinct.





Comments