top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Worried dahil palaging may singaw sa bibig

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 6, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Palagi na lang akong nagkakaroon ng singaw sa bibig, mahapdi ito, lalo na kapag kumakain ako ng hilaw na mangga at iba pang maaasim na pagkain. Mabilis naman itong nawa­wala, pero pagkali­pas ng ilang araw ay bumabalik ulit. Ano ba ang dahilan ng pagka­karoon ng singaw? — Andeng

Sagot

Ang singaw o mouth sores ay kondisyon kung saan may bahagi ng bibig na nagiging mahapdi. Ang mga singaw ay maaaring matag­puan sa gilagid (gums), sa likod ng labi (lips) o dila (tongue) o anumang bahagi ng bibig. Ito ay karaniwang hugis-bilog na bahagyang pailalim at maaaring mas maputi ang kulay kung ikukumpara sa mapulang bahagi ng bibig.

Ang singaw ay maaaring sanhi ng pagkakagat ng sariling dila o labi o anumang iritasyon sa bibig tulad ng pagkatusok ng pagkain gaya ng tinik ng isda, pagkapaso mula sa mainit na inumin o pagkain o masyadong mara­has na pagsesepilyo. Maaari ring dahilan ang mga impek­siyon tulad ng herpes simplex virus o kaya mga gamot tulad ng aspirin. Maaaring magdulot sa singaw ang ibang mga sakit o kapaguran o stress sa trabaho. Baga­ma’t, walang ebidensiya, ayon sa mga obserbasyon ng mga mata­tanda, ang pagba­bago sa klima o temperatura ay naiuugnay din sa singaw. Kaya “singaw” ang tawag dito, singaw na ­mula sa mainit na panahon .

May nabibili sa botika na ipapahid para rito magtanong lang, para ‘kamo sa mouth sore o ulcer. Ang iba naman, hinihintay na lang itong mawala ng kusa sa loob ng dalawang linggo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page