top of page
Pokwang.jpg

Wala raw vote-buying sa House Speakership, weh?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 6, 2019
2 min read

Pera-pera lang ang laban sa Kamara.

Kailan kaya magbabago ang mga Pinoy?

◘◘◘

ITINATANGGI at pinabubulaanan ang vote-buying sa mga kongresista.

Pero, kinukumpirma naman ito ng ilan sa ilang mga pahayag.

Ano ba talaga, kuya?

◘◘◘

SINASABING nangumbida sa short meeting ang kanang kamany ni Rep. Lord Allan Jay Velasco sa penthouse ng Ramon Mitra Building sa Batasan, mismo.

Itinakda ang oras sa pagitan ng 10:00 ng umaga hanggang 5:00pm.

Kahit sino ay puwedeng “mag-short stop” sa naturang iskedyul.

Eh, bakit, anong milagro mayroon ang short meeting?

He-he-he!

◘◘◘

NAGDUDUDA ang mga nagmamasid kasi solo-solo ang pagpunta.

At sandali lang ang meeting.

Anong “agenda” ang puwedeng pag-usapan sa “short stop”?

Nakakatawa at nakalulungkot!

◘◘◘

GUMAGRABE ang espekulasyon kasi kinumpirma mismo ni ex-Speaker Pantaleon Alvarez na nagpabaha ng malaking cash ang dalawang aspirante sa pag-speaker.

Dahil d’yan, hinimok si Alvarez na ibunyag ang pangalan at isailalim sa “pagdinig” dahil nakasisira ito ng reputasyon ng Kamara!

◘◘◘

TUMANGGI si Alvarez sa pangalan ang kanyang tinutukoy sa aspirante.

Pero, maugong ang balita na naglalaro sa P500, 000 hanggang sa P1 milyon ang sinasabing “presyo” kada ulo.

Tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

ITINATWA naman ni Velasco na siya ang tinutukoy na nagpakawala ng malaking halaga.

Ayon sa kanya, wala siyang ganu’n kalaking halaga ng salapi!

◘◘◘

PERO, ayon sa mga kritiko ang salapi ay hindi naman mula sa kongresista.

Ang salapi ay sinasabing mula sa bigtime businessman na nanghihimasok sa girian sa Kamara!

◘◘◘

SINASABING chicken feed lang sa negosyante ang naturang halaga dahil sa rami ng negosyo at kontrata na nangangailangan ng suporta ng Kamara.

May konek daw sa Senado ang negosyante at gusto niya ay makontrol din ang mga kongresista.

Ha! Ha! Ha!

◘◘◘

IPAGDASAL nating huwag masilaw sa salapi ang mga kongresista.

Kapag nagtagumpay ang business magnate, paano ang interes ng ordinaryong mamamayan?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page