Shoutout sa mga estudyanteng naku-culture shocked diyan... TIPS PARA SA MGA FRESHMaN, ALAMIN!

MALAKI ang pagkakaiba ng buhay sa high school at sa kolehiyo dahil ito ang pagkakataon kung saan unti-unting sinasanay ang mga estudyante sa sitwasyon na posible nilang maranasan sa ‘ika nga, “real world”.
Kaya, para sa freshies sa college, narito ang ilang survival tips para sa inyo:
1. MAKE FRIENDS. Hindi madali ang buhay sa kolehiyo, kaya dapat may mga kaibigan tayo. Huwag tayong matakot na makipagkilala sa iba dahil for sure, darating ‘yung pagkakataon na magpapasalamat ka na nakilala mo sila. Isa pa, sila ay isa sa ma-raming dahilan kaya magiging makulay ang college life mo.
2. KEEP CALM IT’S ON THE SYLLABUS. “Nasa syllabus lang ‘yan”, maraming beses nating maririnig ‘yan sa professor, kaklase at sa sarili natin mismo. Malaking porsiyento ng pag-aaralan mo sa kolehiyo ay nasa syllabus lang. Kaya huwag mo itong i-take for granted, pramis!
3. HAVE A LIFE. Bagama’t, mahirap ang buhay-kolehiyo, hindi ibig sabihin nito ay pasasakal na tayo sa sistema. Kasabay ng pag-aaral, mainam na isingit din natin ang paminsan-minsang pagha-happy-happy. Tandaan, na practice ‘yan sa “totoong buhay” kaya dapat pag-aralan nating ibalanse ito.
4. GO TO CLASS. Iskolar man tayo ng bayan o ng mga magulang natin, kahit kailan ay wala tayong karapatan na sayangin ang perang pinaghirapan ng sinumang nagpapaaral sa atin. Maraming gustong mag-aral, pero hindi nagkaroon ng chance, kaya huwag nating ipagsawalambahala ang pagkakataon na ibinigay sa atin. Okay?
5. GET SOME SLEEP. Isa ito sa pinakamahalagang dapat gawin kung saan kapag may pagkakataon tayong matulog ay samantalahin na natin ito. Kapag dumating na tayo sa mga huling taon sa kolehiyo, sobrang bihira na lang tayong matutulog, lalo na kapag nagsasabay-sabay ang gawain, OJT, requirements at ang nakakalokang thesis at thesis defense. Jusko, magpasalamat ka na kapag nakaidlip ka.
6. SAVE YOUR MONEY. Sobrang magastos ang pag-aaral sa kolehiyo, nagdo-dorm ka man o nagko-commute, pampubliko o pribado man ang pinapasukan mo, malamang, sa ayaw at sa gusto mo ay gagastos ka. Kaya, mabuting habang maaga pa ay maging wais ka na sa paghahawak o pagba-budget ng pera.
Maraming mangyayari sa college life, roller coaster talaga ang mae-experience mo, pero makakayanan mo itong malampasan kapag handa ka sa lahat ng pagkakataon at malaki ang tiwala mo sa iyong sarili. Good luck!





Comments