Nangyari sa Pop Princess, tulad kay Mega… SARAH, SUNOD SA YAPAK NI SHARON
- BULGAR

- Jun 6, 2019
- 1 min read

ISA kami sa mga natuwa nang manalong Best Actress si Sarah Geronimo (via Miss Granny) sa ginanap na 35th Star Awards for Movies. Finally, isang seryosong pagkilala ito sa kanyang kakayahang umarte.
Nakikita namin kay Sarah ang ginawang pagbi-build-up noon ng Viva Films kay Megastar Sharon Cuneta.
Nagsimulang recording star si Shawie, nag-show, nag-concert, naging product endorser, nag-artista at gumawa ng goody-goody movies bago sumabak sa mga seryosong role sa pelikula.
More or less, sa ganitong career path din tumahak ang Popstar Princess bago nagkaroon ng acting award.
It will be a big boost sa career niya and she’s ready na sa mas mature na character sa pelikula at telebisyon.
It seems bagets na bagets ang hitsura ni Sarah lalo na ngayon na nagpaikli siya ng buhok para sa bagong movie niyang gagawin sa Viva Films, ang Unforgettable. Pero, kung ang mga fans ni Sarah ang tatanungin, gusto nila ang new look ng kanilang idolo.





Comments