top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Katoma kinatay

Levi Gonzales
Jun 6, 2019
1 min read

DALA marahil ng kalasingan kaya sinaksak ng makailang ulit ng 37-anyos na lalaki ang kanyang kainuman sa Bgy. Patabog, Mulanay, Quezon.

Base sa ulat, pasado alas-10:00 ng umaga, magkainuman ang biktimang si James Villanueva, 30, construction worker, ng Bgy. 10, Catanauan, Quezon at ang suspek na si Joseph Ravanera, ng Bgy. Patabog, ng nasabing bayan.

Panatag pa umano ang dalawa sa kanilang pinag-uusapan nang biglang uminit ang ulo nila hanggang sa mauwi sa pagtatalo.

Agad bumunot ng patalim ang suspek saka inundayan ng saksak ang biktima.

Nadala pa ito sa pagamutan ngunit, hindi rin umabot nang buhay habang kusang-loob na sumuko ang suspek sa pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page