Hirit ng mga magsasaka: Mga hinaing namin, pakinggan din!

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa mataas na kapulungan ng Kongreso ang panukalang-batas na nagpapataw ng dagdag na buwis sa sigarilyo kung saan may ikinonsidera at hindi.
Kabilang sa mga nadismaya at nalungkot ay ang mga magsasaka ng tabako sa lalawigan ng Pangasinan kung saan anila, nakalulungkot na naipasa ito sa kabila na ang kanilang mga hinaing ay hindi man lang ikinonsidera ng gobyerno.
Gayunman, mabuti pa raw umano ang iba na nakapaghahanda pa sa laban, pero sila ay hindi na nabigyan pa ng pagkakataon.
Kaya ang hiling ng mga magsasaka sa mga nasa itaas, pakinggan din sana ang kanilang mga hinaing nang sa gayun ay maging patas para sa kanila ang nasabing panukala.
Sa ngayon, nilalayong itaas sa P45 hanggang P60 kada pakete ang excise tax mula sa susunod na taon hanggang 2023, pagkatapos ay 5% na taunang dagdag-buwis naman na epektibo sa Enero 1, 2024.
Samantala, alam naman nating ang buwis na madaragdag sa sigarilyo at alak ay inaasahang magiging karagdagang pondo para sa mga nangangailangan sa usaping pangkalusugan, pero mangyayari ‘yun kung ang mga nakaupo sa puwesto ay hindi magiging korup.
Kaya para maging patas para sa lahat, mga magsasaka ng tabako, pakinggan!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments