top of page
Pokwang.jpg

ACES, TINAMBAKAN HOTSSHOTS ‘PAGBARUMBADO’ NI ABUEVA, TINULUYAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 6, 2019
1 min read

NILAGOK ng Alaska Aces ang two-game winning streak matapos kalusin ang Magnolia Hotshots, 103-80 kagabi sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Nagtala si import Robert Daniels ng 23 points at pitong rebounds upang tulungan ang Aces na ilista ang 3-2 karta habang 17 ang inambag ni JVee Casio.

Maagang nagparamdam ng lakas ang Aces matapos hawakan ang 12-point lead, 50-38 sa halftime.Umalagwa ang lamang ng Alaska matapos ilista ang 89-64 bentahe sa pagtatapos ng third canto. Hindi na nakahabol ang Hotshots sa fourth quarter kaya naman lugmok agad sila sa kanilang unang laro ngayong conference.

Samantala, pinatawan si Phoenix forward Calvin Abueva ng P70,000 fine at indefinite suspension ni PBA commissioner Willie Marcial dahil sa pagiging barumbado sa huling dalawang laro ng Fuel Masters.

Sinabi ng PBA na kailangan magbayad ni Abueva ng P20,000 sa pakikipagtalo nito sa isang fan na kasintahan ni Bobby Ray Parks Jr. sa laban ng Phoenix at Blackwater game at karagdagang P50,000 dahil sa flagrant foul number 2 nito kay Terrence Jones sa laban naman nila kontra TNT KaTropa. Sa bakbakan ng Phoenix at Blackwater, nakipagtalo si Abueva kay Maika Rivera, ang GF ni Parks.

Pagkaraan ng ilang araw ay napatawan si Abueva ng technical foul nang magharap ang Fuel Masters at KaTropa dahil sa second motion nito kay Anthony Semerad bago pinatalsik sa laro nang makabangayan naman si import Jones. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page