P-Digong, type ang mga opisyal na nalulusutan ng mga iligal na droga?

BAYANI AGBAYANI, HINDI SINUNGALING, PANELO, SINUNGALING? — Inamin ni Bayani Agbayani na gobyerno ang sumagot sa lahat ng gastusin niya nang sumama siya sa biyahe ni P-Duterte sa Japan.
Kung ganu’n, nagsisinungaling pala sa taumbayan si Presidential Spokesman Salvador Panelo nang sabihin niyang walang ginastos ang gobyerno sa mga artistang sumama sa biyahe ng pangulo sa Japan, buwisit!
◘◘◘
MGA ‘NAGLILINIS-LINISANG’ ARTISTANG SUMAMA SA JAPAN, DAPAT MAG-PUBLIC APOLOGY—Kung ang gobyerno ang sumagot sa gastos ni Bayani Agbayani ay nangangahulugang gobyerno rin ang gumastos sa iba pang artistang sumama sa biyahe ni P-Duterte sa Japan.
Kaya ang mga artistang “naglilinislinisan” at nakikipagbangayan pa sa netizens sa social media na wala raw ginastos ang gobyerno sa pagsama nila sa biyahe ni P-Duterte ay dapat mag-public apology kasi ibinisto na ni Bayani Agbayani na Duterte gov’t. ang sumagot sa lahat ng kanilang gastusin sa Japan, mga pwe!
◘◘◘
TIPONG OPISYAL NI P-DUTERTE SA BUREAU OF CUSTOMS, MGA NALULUSUTAN NG SHABU—Sinabi ni Panelo na kaya raw na-promote si BOC Deputy Commissioner Vener Baquiran, ang isa sa Bureau of Customs official na nasangkot sa shabu smuggling ay dahil naniniwala raw ang pangulo na nalusutan lang daw ito ng mga drug syndicate na nagpapasok ng iligal na droga sa bansa.
Ganyan pala ang mga tipong opisyal ni P-Duterte sa BOC, ‘yung mga nalulusutan ng shabu sa Adwana, boom!
◘◘◘
KUNG PARA KAY P-DUTERTE HINDI KORUP SI BAQUIRAN, PARA KAY SEN. LACSON, KORUP ITO—Ayon pa kay Panelo, malaki raw ang tiwala ni P-Duterte kay Baquiran dahil hindi raw ito korup.
Weh, ‘di nga? Sabi kasi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang privilege speech, isa raw si Baquiran sa pinaka-corrupt sa BOC kasi bukod daw sa sangkot ito sa puslitan ng shabu ay tumatanggap din daw ito ng “grease money” sa mga smuggler, period!





Comments