top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

NAGIGIPIT NA SI DIAZ SA PINANSIYAL, PLS. HELP!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 5, 2019
2 min read

IBINUNYAG ni Asian Games gold medalist Hidilyn Diaz noong Lunes na nagigipit na siya sa pinansiyal na suporta sa gitna ng kanyang paghahanda para sa 2020 Tokyo Olympics.Si Diaz, na nagwagi ng silver sa weightlifting sa Rio de Janeiro noong 2016 ay nagpaskil sa kanyang Instagram story ng kanyang mga hinaing at hinanakit kasabay ng paghingi niya ng pinansiyal na tulong. “Is it okay to ask sponsorship sa mga private companies towards Tokyo 2020?” ani Diaz, na nagwagi rin ng gold medal sa Asiad noong nakaraang taon sa Jakarta.

“Hirap na hirap na ako,” ang sabi niya sa post. “I need financial support. Sa tingin niyo, okay lang kaya? Nahihiya kasi ako, pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa ating bansa, na maiuwi ang gold medal sa Olympics.” Noong Abril, nakahakbang si Diaz sa qualifying ng Tokyo Games nang pagwagian ang tatlong silver medals sa 2019 Asian Weightlifting Championships sa China.Noong Mayo, sinabi niyang patuloy ang kanyang progreso, sa katunayan ay nag-rank top 5 siya sa qualifying matapos ang 6 na buwan. Ipinaskil niya sa kanyang Instagram post na: “Gusto ko lang pong sabihing nasa rank 5 po ako for First 6 months ng Olympic Qualifying, ipagdasal niyo na sana makapag-rank 1-5 ako sa next Olympic qualifying. Marami pa po akong lalaruin kailangan ko mag-focus, maniwala kay God na eto ang dream Niya para sa’kin.”

Ngayong may maigsi siyang buhok, nagpaskil din siya ng kanyang video ng pagsasanay noong Lunes at doon ipinakita niya ang pagbuhat ng 90-kg sa snatch at 110-kg sa clean-and-jerk. “Whatever my hairstyle/haircut, it will not define who I am and who I have become,” aniya. (ATD/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page