top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga promdi, dapat bigyang-konsiderasyon ng MMDA, plis lang!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 5, 2019
  • 2 min read

MALAKING isyu pa rin hanggang ngayon para sa mga kababayan natin na tagaprobinsiya ang pag-ban ng mga provincial bus sa EDSA.

Malaki ang hinanakit nating mga promdi sa gustong pairalin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ‘yun ay ang huwag papasukin ang mga provincial bus at bigyan na lamang ng lugar na bababaan ang mga pasahero ng mga bus mula sa north at south para roon sumakay ang metro buses na maghahatid sa kani-kanilang destinasyon sa Metro Manila.

Isa tayo sa noon pa man ay tumututol sa polisiyang ito dahil unang-una, ‘anti-probinsiyano’ ito bukod sa anti-poor. Just imagine ang hirap na aabutin ng mga kababayan nating promdi na luluwas ng Maynila sa anumang dahilan.

Alam naman natin na kapag galing tayo ng probinsiya, tiyak na sangkaterbang pasalubong ang ating bitbit para sa ating mga kamag-anak na uuwian o mga kaibigan na matagal nating hindi nakita at nakasama. Isipin na lang natin ‘yung pagod at hirap ng palipat-lipat ng masasakyang bus. Paano kung matatanda ang mga ‘yan? Paano kung lumuwas ‘yan ng Maynila para magpagamot? ‘Di ba, uncomfortable na, sadyang napakalaking abala pa? Naiisip sana ‘yan ng mga opisyal ng MMDA.

Sa totoo lang, ayaw sana nating isipin na masyadong pabor ang planong ito sa mga taga-Metro Manila. Isa pa, kung iisipin, ang mayorya ng mga promding pasahero ng bus ay hindi naman mayayaman, ‘di ba? Ibig sabihin, budget na budget ang kanilang pera sa pamasahe. Ang ekstrang transportasyon ay dagdag-gastusin sa kanila, saan naman nila kukunin ‘yun?

Bagama’t, kaisa tayo ng MMDA sa hangarin nitong mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila, sana naman ay bigyan ng konsiderasyon ang mga kababayan nating promdi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page