MAGKANO ANG BONUS NG NBA FINAL CHAMPS?
- BULGAR

- Jun 5, 2019
- 2 min read

NAKADALAWANG final game na ang Golden State Warriors at ang Toronto Raptors sa 2019 NBA Finals at ang Game 3 ay idaraos bukas, Huwebes. Siyempre ang magwawagi sa serye ay mag-uuwi nang higit pa sa championship trophy. Mag-uuwi rin sila ng napakasarap na bonus.
Bawat season, bumubuo ang NBA ng players ng pool na hinahati ang teams para sa playoffs at finals. Sa ngayon, ang pool ay may $22 million na pondo, kinumpirma ng NBPA representative sa CNBC Make It. Sa paggamit ng data mula sa sports website na SB nations, mabusising tiningnan ang pag-estima kung magkano ang tatanggapin ng kampeon na team ngayong taon bagamat ‘di masyadong nagbigay ng detalye ang NBPA.
Noong nakaraang season, ang pool ay may $20-million, ang winning team ay nakapag-uwi ng $3.3 milyon na may tig-$220,000 ang bawat player para sa 15 katao per roster. Kaya sa paggamit ng logging, titiyaking ang mga magwawagi ay may bahaging 10% sa linya ng kabuuang pagtaas sa bayad ng pool.
Ang magkakampeon ngayong taon ay makapag-uuwi ng halagang $3.6 milyon o $240,000 kada player.
Iyan ang fraction ng star players salaries. Halimbawa na lang si Steph Curry, na star point guard ng Warriors, ay kumita ng $37.4 milyon mula noong 2017-2018 season, ayon sa sports-data site Spotrac. Si Kyle Lowry, ang Raptors’ point guard ay nakapag-uwi ng $31-M.
Mataas pa rin ang championship bonus kung ikukumpara sa iba pang professional sports tulad ng NFL. Ang mga players sa winning Super Bowl team kabilang na iyong injured o hindi aktibo ay may $118,000 bonus ayon sa NFL collective bargaining agreement habang ang losing team ay may $59,000 para sa bawat player. Para kay Curry, ang two-time NBA Most Valuable award recipient at winner ng tatlong NBA championships sa Warriors, hindi lamang pera ang pakay niya.
“One thing my pops always told me is you never count another man’s money,” aniya noong 2017 na panayam ng Mercury News. “It’s what you’ve got and how you take care of it.” (MC)





Comments