Hirit ng Palasyo | DAGDAG-SAHOD SA TITSER, INSTALLMENT

UMAPELA ang Malacañang sa mga guro sa bansa na habaan ang pasensiya kaugnay sa hiling na salary increase na una nang ipinangako sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo makaraang sabihin sa kanya mismo ni Education Sec. Leonor Briones na aabot ng P150 bilyon ang gagastusin ng gobyerno sakaling aprubahan ang pagtaas ng sahod ng mga guro ng halagang P10,000 at posible rin umanong gawin itong installment.
“Baka, baka, hindi ko alam, ha. Baka iyong… kumbaga installment, baka gawin installment, hindi ko alam kung ano ang mangyayari. But what is I think certain is that the president really wants to increase the salaries of the teachers,” ani Panelo.
Matatandaang, iginiit ni Panelo na tinatrabaho na ng Palasyo ang pagtaas ng sahod ng mga guro matapos atasan ang economic managers ng pangulo na humanap ng pondo para rito.





Comments