top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

GAANO KAHIRAP SA RAPTORS KUNG MAG-3-1 ANG WARRIORS?

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 5, 2019
1 min read

WALANG ibang dapat gawin ang Toronto Raptors kundi ang makabawi kaagad laban sa Golden State Warriors sa Game 3 o sa pagdating ng Game 4 kapag naidaos ang laban sa Oracle Arena sa Oakland, California na teritoryo ng GSW.

Ibalik dapat ng Raptors ang kanilang bangis sa laro lalo na at nagbalik ang gana ng Warriors sa Game 2 dahil nagawa nilang itabla sa 1-1 ang serye kamakalawa. Kung magagawa ni Kawhi Leonard na umalagwa ng laro sa mismong homecourt ng Warriors at maitala nila ang 2-2 sa serye, matindi ang posibilidad na mapupunta sa Raptors ang momentum sa laro at magkakatsansa na ang mga pumusta sa Toronto, papalakpak sila at umaatikabong kantiyawan ang mangyayari.

Pero kung hindi ito magagawa ng Toronto at humakot pa ng 3-1 sa serye ang Warriors, tiyak na babagsak na ang moral ng Raptors at baka mahirapan na silang makabawi sa susunod na homecourt na laro. Doon na muling makakantiyawan ng mga GSW fans ang mga pumusta pa naman ng malaki para sa Raptors dahil sa loob ng 25 taon ay ngayon lang muli nakapasok sa final ang kanilang manok. Habang panglimang korona na ang maaangkin ng Warriors kapag nagkataon. Laglag ang balikat ng maka-Raptors. Bagamat medyo may kabagalan sa pagkilos ang ilang players ng Toronto, pero kung gagamitin nila ang kanilang mga taas at depensa gaya ng ginawa nila sa Game 1, hindi makakaporma ang Warriors. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page