top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Umamin sa ginawa para sa utol… HIRIT NI JAK: SANYA, NANALO NG AWARD DAHIL SA KANYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 4, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

PROUD kuya si Jak Roberto sa pagkakapanalong New Movie Actress of the Year sa 2019 PMPC Star Awards ng kapatid na si Sanya Lopez. Ipinost ni Jak ang litrato ng kapatid na hawak ang trophy.

Sabi ko na nga ba nakatulong talaga sa ‘yo ‘yung mga pagpapaiyak ko sa ‘yo nu’ng mga bata pa tayo, eh. Worth it ‘yung mga nasalo kong lumilipad na tsinelas, hanger, sandok, walis at kung anu-ano pa kay mommy kakaarte mo (Siyempre kailangan may naiambag ako). Congrats, Sissy dahil d’yan! Sabay-sabay tayo mga Kapuso!!! HAYYY BIDA-BIDA.”

Sa nag-comment na pagkatapos ni Sanya, siya naman (si Jak) sana ang manalo ng acting award, “Amen” ang sagot ni Jak.

In fairness kay Jak, binibigyan siya ng acting project ng GMA-7 at hindi malayong manalo rin siya ng acting awards in the future. Sa Kara Mia lang, nagpapakita ng mahusay na acting si Jak bilang si Boni, ang BF ni Kara (Barbie Forteza).

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page