Sa pananatili bilang Senate President | 13 SENADOR, SUPORTADO SI SOTTO
- Lourdes Abenales
- Jun 4, 2019
- 1 min read

HINDI napigilan ni Senadora Cynthia Villar na komprontahin sina Senador Manny Pacquiao at Senador Aquilino “Koko” Pimentel III dahil idinadawit ito sa isyu ng agawan sa Senate President post para sa 18th Congress.
Matatandaang, lumabas sa mga nakaraang balita ang pangalan ni Villar para sa pagka-Senate President na mariing itinanggi naman ng senadora.
Pinagsabihan ni Villar sina “Koko” at Pacquiao na huwag itong isasali sa away nila ni Senate President Vicente Sotto III. Pinayuhan pa ng senadora sina Pacquiao at Pimentel na bakit hindi kausapin ang kanilang kapartido at si Sotto para matapos na ang gulo.
Matapos ang pagkumpronta ni Villar sa dalawa, dali-dali itong umalis ng plenaryo. Kasabay nito, nagsalita naman si Pacquiao sa plenaryo at binasa ang resolusyon na nagpapahayag ng suporta ng mga senador sa pamumuno ni Sotto kung saan pumirma rito ang 13 senador.
Kinabibilangan ang 13 senador nina Pacquiao, Pimentel, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Panfilo Lacson, Joel Villanueva, Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Grace Poe, outgoing Senators Gringo Honasan, Francis “Chiz” Escudero at Loren Legarda.





Comments