top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Next Speaker mahirap matukoy, bilog ang bola

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 4, 2019
  • 2 min read

DININIG ng Malacañang ang paulit-ulit na pakiusap natin na linawin ang pahayag kaugnay sa Speakership sa Kamara.

Binigyan-diin nina P-Di­gong at Mayor Sara na wala silang iniendorso.

Klap! Klap! Klap!

◘◘◘

GAYUNMAN, kahit hindi makialam ang mag-amang Duterte, pinanini­walaang susuportahan ng mga kongresista kung sino ang nakadikit sa kanilang dalawa.

Dahil d’yan, nauuwi na lang sa dalawang aspirante ang tunay na magbabak­bakan sa Speakership.

Sinasabing maggigirian sina Rep. Lord Allan Velasco at Rep. Alan Peter Cayeta­no.

Sige, bigyan ng gloves ‘yan!

◘◘◘

PDP-Laban ang susu­porta kay Velasco, saman­talang, si Cayetano ay iniendorso ng National Unity Party at NP.

Nawala sa eksena si Rep. Martin Romualdez dahil kakarampot naman ang miyembro ng kanyang partidong Lakas-CMD!

◘◘◘

HINDI pa umaatras si dating Speaker Pantaleon Alvarez na aagaw ng boto mula sa PDP-Laban dahil siya ang iniendorso naman ni Sen. Koko Pimentel.

Iniuulat na may 126 kongresista ang suporta­do kay Romualdez, pero pinagdududahan ito dahil isinama rito ang grupo ng Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Sara!

◘◘◘

KAHIT ang pinsan ni Romualdez na si Senator-elect Imee Marcos ay nagdududa sa kanyang tsansa kasi kakaunti lang ang miyembro ng Lakas-CMD.

Nilinaw ni Marcos na ang magiging Speaker daw ay ang aspirante na nakadikit kay P-Digong, lalo na kung ito ay iiendorso ng pangulo.

Mahalagang dikit kay P-Digong dahil ang Spea­ker ay siyang mag­mama­niobra ng Legislative agenda ng Malacañang!

◘◘◘

BILOG ang bola kaya mahirap matukoy kung sino ang magiging Speaker sa kabila ng ulat na naghayag ng paglipat sa NUP ang ilang miyembro ng Lakas at PDP-Laban.

May ulat din na nagpapapirma na ng manifesto ang isang aspirante, pero walang numero na pinalulutang.

Nakatunganga ngayon ang sambayanang Pinoy kung sino ang magiging Speaker: Ang nagyayabang na panalo na siya o ang tameme na aspiranteng lihim na nagmamaniobra?

He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page