Mister mo, Regine, first time nagdrama… OGIE, TINALO SINA EDDIE, COCO, DINGDONG, NONIE, ETC. SA BES
- BULGAR

- Jun 4, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

WAGI sa unang pagkakataon bilang Best Actor ang magaling na singer na si Ogie Alcasid sa 35th PMPC Star Award for Movies na ginanap sa Newport Arts and Theater noong Linggo (Hunyo 2).
Kahit ito ang una niyang drama movie, tinalo ng actor-singer ang magagaling at beteranong aktor sa industriya tulad nina Nonie Buencamino para sa pelikulang Distance, Paolo Contis (Through Night and Day), Dingdong Dantes (Sid and Aya), Coco Martin (Jack Em Popoy: The PulisCredibles), Daniel Padilla (The Hows of Us), Piolo Pascual (Ang Panahon ng Halimaw), James Reid (Never Not Love You), Vic Sotto (Jack Em Popoy: The PulisCredibles) at ang veteran actor na si Eddie Garcia para sa award-winning film na Rainbow’s Sunset.
Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan ni Ogie ang mga bumubuo ng pelikula nilang Kuya Wes na nagtiwala sa kanya para gampanan ang role ni Kuya Wes.
Aniya, “Maraming-maraming salamat. I am so happy. I am so grateful and truly humbled.”
Dugtong pa niya, “Akalain n’yong naging Best Actor ako.”
Halos mangiyak-ngiyak din niyang pinasalamatan ang kanyang misis na si Asia’s Songbird Regine Velasquez na sinuportahan at sinamahan din siya sa nasabing event.
Aniya, “Thank you for believing in me more than I believe in myself.”
Ang Kuya Wes ay 2018 Cinemalaya entry na tungkol sa lalaking nagtatrabaho sa isang remittance center na na-in love sa kanyang customer.
Inialay din ni Ogie ang kanyang award para sa mga simpleng tao na katulad ng kanyang character sa pelikula.
Aniya, “The film is about a simple person who is ignored, who is invisible to many yet he just wants to love and to be loved. And so I want to dedicate this to all the simple people out there. Keep living, keep loving, keep doing what you want to do in life. This is for you.”




Comments