top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

ELI BRASSOUS, PATOK

Ding Taboy
Jun 4, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

BALIKATAN ang magaganap na karera ngayong hapon at gabi sa pag-alagwa ng “Additional One Win in Group Races” sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite. Ang laban ay napapalooban ng Condition Race, Group Race (8), 3 Year Old & Above Maiden Race, Group Race Merge (6-7), at 3 Year Old Group Race Merged (6-7).

Sa pagsisimula ng Winner Take All (WTA) sa Race 1 maghaharap ang 8 mananakbo sa pag-alagwa ng Condition Race at pinapaboran ang Hallelujah laban sa Apollo of Aguila at Princess Mamba.

Nakalalamang ang Corazon habang may laban ang Easy To Win at isama ang Batang Highlander sa Race 2 na simula ng Pick 6. Nakalalamang sa simula ng pick 5 sa pagtikada ng Race 3 ang Eli Brassous at magsisilbing kalaban ang Silver Glow, Boni Avenue at Yes All Wee Bet.

Walang kasing patok ang JLO habang pangalawa ang Belle Esprit at Noh Sen Young Yana sa pagsisimula ng Pick 4 sa pag-alagwa ng Race 4. Sa Race 5, ipinapatok din ang Victorious Colt at makakalaban ang Cerveza Rosas isama sa talaan ng Trifecta, Quartet at Pentafecta ang Couple Entry na Lemonada at Hamlet, Wo Wo Duck, at Beach Surfer.

Sinisiguro na pamuntos ang My Jopay, habang ang mga kalahok na Kentucky Rain, Trust Worthy at My Dad Bogart ang parating sa Quartet at Race 6. Sa Race 7, nakalalamang ang Tabing Ilog at makakalaban ang Case Bell at Beyond D’ Sea, isama sa Pentafecta at Super Six ang Moon Fire Toscana at Eugene’s Fairy.

Tip ni Mang Ding Race 1- Hallelujah( 4) Apollo of Aquila (5) Race 2- Batang Highlander (6) Easy To Win (5) Corazon (3) Race 3- Eli Brassous (3) Silver Glow (6) Race 4- JLO (8) Belle Esprit (11) Race 5 Victorious Colt (4) Cerveza Rosas (8) Race 6- My Jopay (1) My Dad Bogart (4) Race 7- Tabing Ilog (5) Moon Fire (3) Case Bell (10)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page