BAYABAO AT CABINDOL, 2 GOLD SA PENCAK SA MARTIAL ARTS FEST

IPINAKITA ni Harrajie Garde Bayabao at Michelle Jane Cabindol ang kanilang natatanging galling sa pencak silat na nanalo ng tig-dalawang ginto, namayani ang mga taga- Malabon sa arnis/eskrima at dinomina ng Sta. Rosa ang muaythai sa 6th Women’s Martial Arts Festival sa Harrison Plaza.
Dala ang bandila ng Kabankalan, tinalo ni Bayabao kasama ang kanyang mga kalaban sa pre-teenager at kinuha ang ginto sa Regu kasama sina Cyra Natasha Delicanah, at Reine Jhudiel Grande Claridad sa pre-teenager Regu matapos magwagi ang trio nina Beverly Mahusay, Noreen Bedano at Cris Ann Jelyn Magtangad ng Zamboanga sa seniors Regu.
Lumaban dala ang koponan ng Aklan, nanalo si Michelle Jane Cabindol kasama si Shantal Kaye Villanoche sa teenager Ganda at nakipag-alyansa kina Villnoche at Shara Julia Jizmundo na sinungkit ang ginto sa teenager Regu.
Ang ipinagmamalaki ng Navotas na sina Savannah Borre at Romalyn Voces ay wagi sa kanilang division sa arnis/eskrima. Nanalo si Borre sa juniors live stick minimum 46 kg. and below at namayani si Voces sa juniors live –stick lightweight plus 46-53k. Nanalo rin si Melissa Menhavez ng Muntinlupa sa juniors-live stick plus 53-60kg. at tagumpay si Mary Jane Makindato ng Taguig juniors live-stick heavyweight plus 60kg.
Tinalo ni Kate Ivonne Munsayac ng Baguio ang kanyang mga kalaban sa karatedo at binulsa ni Lianna Shagol ang pilak at pinagsosyohan ang tanso nina Jireh Ang-Ayan, Kyla Tinda-An, Ace Lavi Wadwanan at Charlene Aquino. Ang mga ipinagmamalaki ng Sta. Rosa na sina Reign Yjohnne De Lara, Mary Grace Carluen, Desiree Mosenabre, Mira Angela ay nanalo sa kanilang division sa muaythai at wagi ang mga taga-Benguet na sina Janna Mae Tinay, Hyra Cayambas, Kendrel Canabe at Rusha Mae Bayacsan na nanalo rin sa kanilag divisions.
Wari rin si Angela Cuadra sa minus 60 kg. kumite open para sa pangalawang ginto sa senior kumite minus 68 na nanaig kina Hannah Olyvar na kinuha ang pilak ni Clarissa Yves Ureta na nagsosyo sa tanso. Nanalo rin ang kanyang kapatid si Lyca Gabrielle Cuadra sa senior kumite minus 55 kg.





Comments