SHANGHAI NOON VS. REAL GOLD

NGAYON pa lang, pinag-uusapan na ng bayang karerista kung sino ang susunod na makakalaban ni 2019 Philracom 1St Leg Triple Crown champion Real Gold sa susunod na bakbakan ng 2nd leg.
Ang Real Gold ay naorasan sa bilis na 1:40 sa distansiyang 1,600 samantala, ang Shanghai Noon ang itinanghal na kampeon sa katatapos na Hopeful Stakes Race at naorasan ng 1:42 sa distansiyang 1,600.
Sa ipinakitang husay ni Real Gold, batay sa tiyempo, walang makakalaban ang kampeon sa Triple Crown. Nariyan ang mga kalaban na Jay, na pumangalawa sa 1st Leg Triple Crown at Toy For The Bigboy, Boss Emong, My Jopay at Westeros.
Sa susunod na 2nd Leg Triple Crown na magaganap sa buwan ng Hunyo, tiyak na magiging kapana-panabik ang tagpo kung makakalaban ng Shanghai Noon.
Kung ang Shanghai Noon ay hindi na tatakbo sa 2nd Leg ng Hopeful Stakes Race para lumaban sa Triple Crown, tiyak na maraming kalahok sa Hopeful ang may pagkakataon na manalo. May tsansang manalo ang Best Regards na dumating na tersera habang ang Phenomenal ay dumating na segunda habang ang Two Timer at Turns Gold ay may pag-asang manalo.
May mga kalahok din sa Triple Crown ang posibleng bumaba ng laban sa Hopeful na binibigyan ng pagkakataon na manalo sa nasabing karera. Naniniwala ang Triple Crown champion na si Real Gold ay napakahirap talunin sa susunod na laban na tatakbo sa 1,800 metro na distansiya.





Comments