top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Panawagan sa mga magulang; gadgets at alahas, huwag ipadala sa mga anak ngayong pasukan!

Ryan B. Sison
Jun 3, 2019
1 min read

SIMULA na ng klase, kaya sunud-sunod na rin ang paalala ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa seguridad ng mga estudyante.

Bagama’t, nakabantay ang kapulisan sa iba’t ibang paaralan, kailangan pa rin ng mga mag-aaral na bantayan ang kanilang mga gamit at sarili.

Ito ay dahil hindi natin alam kung kailan at sino ang gagawa ng masama ngayong nag­kalat na naman ang mga kawatan na nanana­mantala kung kailan abala ang lahat dahil sa pasukan.

Gayunman, para sa mga magulang, huwag ng magdala at pagdalhin ang mga anak ng mga mamahaling gadget at pagsuotin ng mga alahas sa eskuwelahan upang hindi ma­akit ang masasamang-loob.

Siguraduhin din na agad na masusundo ang mga anak, partikular ‘yung mga nasa pre-school at elementarya dahil sila ang madalas na tina-target ng mga Budul-Budol Gang.

Dagdag pa rito, mag-ingat din sa mga modus na laglag-barya at salisi sa mga lan­sangan at pampublikong transportasyon.

‘Ika nga, kung marunong tayong makinig tiyak na maaagapan natin ang anumang panga­nib na gawa ng mga taong kumakapit sa patalim dahil sa hirap ng buhay.

Gayundin, sa tulong ng PNP, sana, ma­tul­dukan na ang mga ganitong kalakaran dahil wala itong naibibigay na magandang epekto sa lipunan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page