top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P1 bilyong droga, nakalusot | BOC AT PDEA, IPATATAWAG SA SENADO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 3, 2019
  • 2 min read

NAKATAKDANG ipatawag ng Senado ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa panibagong pagkakalusot ng 140 kilos ng droga sa Aduana na nagkakahalaga ng P1 bilyon.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chairman ng Public Order Committee ng Senado, sa pagbubukas ng 18th Congress ay ipatatawag niya sina BOC Comm. Leonardo Guerrero at dalawa nitong kaklase sa Philippine Military Academy (PMA) na sina retired Gen. Donato San Juan at Gen. Raniel Ramiro.

Ipatatawag din si PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino upang matanong kung bakit nakalusot pa rin ang nasabing droga gayung mahigpit ang kanilang ginagawang pagbabantay sa lahat ng shipment na dumarating sa bansa at kung ano ang partisipasyon ng ahensiya sa nabistong auction ng droga.

Ipinagtataka ng senador kung bakit ipinasubasta pa ang mga kontrabando na dapat sana ay kinukumpiska na base sa Customs Modernization and Tariff Act upang sirain o kaya ay sunugin.

Gayunman, depensa ng mga opisyal ng BOC at PDEA, sinadya umano nilang ipasubasta ang mga droga para gawing pain upang matunton ang tunay na may-ari nito.

Buwelta ni Lacson, hindi kapani-paniwala sa halip ay panglilinlang sa publiko ang alibi ng nasabing mga opisyal.

Si Guerrero ang pangatlong commissioner ng BOC na inilagay ng pangulo matapos sibakin noong nakaraang taon si retired Police General Isidro Lapeña dahil nalusutan din ng P6 bilyong shabu na itinago sa magnetic lifters na narekober sa Cavite.

Matatandaang, pinalitan naman ni Lapeña bilang hepe ng BOC si Nicanor Faeldon, na dating Philippine Marines officer, matapos malusutan din ng higit sa P1 bilyong shabu pero, narekober naman sa Valenzuela.

Si Guerrero ay miyembro ng PMA Class 1984 habang si Lapeña ay nagtapos sa naturang academy noong 1975 habang si PDEA Chief Aquino naman ay graduate ng PMA Class 1985. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page