top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Iskul na walang anti-bullying policy, stop!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 3, 2019
  • 1 min read

PORMAL nang nagbukas ang klase sa pampublikong paaralan ngayong araw.

Siguradong simula na rin ng kulitan, kantyawan at asaran ng mga mag-aaral.

Kasabay ng pagbubukas ng klase, nagsanib-puwesa ang Philippine National Police (PNP) at Department of Education (DepEd) para sa anti-bullying campaign sa mga eskuwelahan.

Tiniyak ng DepEd na hindi nila babalewalain ang insidente ng bullying kung mangyayari ito sa pampubliko o pribadong paaralan.

Paalala ng ahensiya, dapat mayroong child protection committee ang lahat ng public schools habang anti-bullying policies naman sa private schools.

Ayon sa PNP at DepEd, ang alituntunin ng paaralan ay dapat alinsunod sa Child Protection Act of 2013 tulad ng proteksiyon sa biktima ng pambu-bully at pagkakakilanlan ng nam-bully kung ito ay menor-de-edad at ang pagkakaroon ng counseling para maresolba ang problema.

Dagdag pa ng DepEd, tatanggalan ng permit to operate ang paaralan na walang anti-bullying policy.

Kaugnay nito, hinihimok ang mga biktima ng bullying na mag-report sa mga awtoridad at para sa mga nakasaksi ng bullying, humingi agad ng tulong.

Hindi lamang sa paaralan dapat sanayin ang mga bata na huwag mam-bully dahil dapat itong matutunan sa bahay pa lamang.

Bilang mga magulang, tayo ang responsable sa pagdidisiplina at pagpapaalala sa mga bata na ang pambu-bully ay hindi magandang gawain.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page