Hirit ni P-Digong, pondo para sa Marawi victims, safe!

HAPPY DAYS NG SMARTMATIC SA PILIPINAS, MAGWAWAKAS NA—Marami ang sumuporta sa panawagan ni P-Duterte sa Comelec na ibasura na sa 2022 national and local elections ang Smartmatic.
Dahil d’yan, nakikita na ng management ng Smartmatic na malapit nang magtapos ang kanilang happy days sa Pilipinas, abangan!
◘◘◘
OWWA, INUTIL KAYA PAPALITAN NA NG DOFW?—Tiniyak ni newly-elected Sen. “Bong” Go na magsusulong siya ng batas na mangangasiwa sa kapakanan ng mga overseas Filipino worker (OFW) at ang ahensiya raw na ito ay tatawaging Department of OFW (DOFW).
Parang sinabi na rin ni “Bong” Go na inutil ang mga taga-OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) sa pagkalinga sa mga OFW kaya papalitan na niya ito ng DOFW, boom!
◘◘◘
PONDO SA MARAWI CITY, IDINEPOSITO SA BANGKO—Sabi ni P-Duterte ay wala raw dapat ipangamba ang mga bansang nagkaloob ng tulong-pinansiyal sa mga biktima ng giyera sa Marawi City dahil ang pera raw nila ay safe na nakadeposito sa mga bangko.
Hay naku, kaya pala hindi umuusad ang pag-rebuild sa Marawi City kasi ang pondong nakalaan sa rehabilitasyon ng lungsod ay idineposito sa bangko, buwisit!
◘◘◘
MABILIS ANG HUSTISYA KAPAG SUSPEK SA KRIMEN ‘NANG-AGAW NG BARIL’—Dalawang nadakip na suspek sa krimen na sina Carl Bañanola at Enrique Lugtu ang napatay ng mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa Metro Manila dahil nang-agaw daw sila ng baril.
Si Bañanola ay magnanakaw na pumatay sa mag-asawang Nicolas, 86-anyos at Leonora Austria, 87, sa Quezon City at si Lugtu ay holdaper na nakapatay kay Emelita Legnes sa Maynila.
Mas mabilis pala ang hustisya kapag “nang-agaw” ng baril at “nanlaban” ang suspek kaya marahil, hindi na kailangan pang ibalik ang death penalty sa bansa, period!





Comments