top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Habang nasa beach | 7 NAGSE-SELFIE, SAPOL SA KIDLAT

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 3, 2019
1 min read

ISANG turista ang nasawi habang anim ang sugatan makaraang tamaan ng kidlat sa Siargao.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, namamasyal sa Naked Island ang mga biktima nang biglang sumama ang panahon.

“Nagpi-picture-picture lang kami tapos biglang ano na lang. Biglang may umano na puti. Wala, nag-blackout na talaga kami. Wala na ‘kong naaalala after noon. Tapos ‘yung isang namatay as in super lapit ko lang sa kanya,” panayam sa isa sa mga bikti­ma na si Suzanne Simagala.

Ilan pang nakasakay sa bangka at paalis na sana sa isla ang hindi nakaligtas sa kidlat.

Kuwento ng tour guide na si Grace Tolibas, pagsa­kay ng mga ito sa bangka ru’n na tumama ang kidlat.

Kaugnay nito, nasawi ang turistang si Lee Christian Zamora.

Wala umano itong external injuries kaya posibleng cardiac arrest umano ang ikinasawi nito.

May mga sugat naman sa leeg ang isa pang biktima na nakakuwintas nang tamaan ng kidlat. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page