top of page

Dehins lang ito mayaman sa water content, besh! PAKWAN, EPEKTIB NA PANLABAN SA UTI!

  • Jersey Sanchez
  • Jun 3, 2019
  • 2 min read

PAGKATAPOS kumain, siguradong marami sa atin ang kaagad na nagtatapon ng watermelon rind o ‘yung balat ng pakwan. Naku, mga besh, hindi ninyo dapat itinatapon ang mga ito dahil may keri pa itong gawin. Alam ba ninyo na ang balat ng pakwan ay na­katutulong upang mawala ang kidney stones at UTI? Weh, ‘di nga?

Sey ng experts, ang watermelon rind ay nagkokontamina ng essential nut­rients tulad ng Vitamins A, B6, C at potas­sium.

Ayon sa The Jour­nal of the Science of Food and Agriculture, ang citrulline sa water­melon rind ay puwe­deng panla­ban sa ra­dical damage, gayun­din upang ma-improve ang immune system.

Dahil dito, ang mga indibidwal na mayroong kidney stones ay pinapayu­hang uminom ng watermelon rind tea.

Para gawin ito, ihalo lamang ang 2 tablespoons ng grated watermelon rind sa mainit na tubig. Haluin ito nang mabuti at pagkatapos ng 30 minuto ay saka ito inumin.

Inirerekomenda itong inumin 20 minuto bago kumain. Ayon sa mga eks­perto, pagkatapos itong inumin ng 24 days, itigil ito ng isang buwan kung saan mapipigilan umano nito ang pag­lala ng sakit at intestinal irritation.

Samantala, upang ma-improve ang pag-function ng kidney, gayundin, para magamot ang Urinary Tract Infections (UTI), epektibo umanong remedy ang watermelon rind dahil mayroon itong diu­retic at hydrating pro­perty na may kakaya­hang maglinis ng or­gans.

Ayon sa mga eks­perto, kung nakara­ram­­dam ka ng sinto­mas ng UTI, uminom ka kaagad ng waterme­lon rind juice.

Bukod sa panla­ban sa UTI at kidney stones, puwede rin umano itong makapag-regulate ng sirkulasyon ng dugo at dahil sa water content ng watermelon rind, ang pag­konsumo nito ay makatutulong na ma­ibalik sa normal ang blood pressure, lalo na sa mga indibidwal na mayroong low blood pressure.

Wow! Ang akala nating basura na, eh, may kaka­ibang benepisyo pa pala. Mga besh, alam n’yo na, ha? Have a healthy lifestyle!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page