top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ARDINA, MAY NALALABI PANG ONE ROUND SA U.S. GOLF

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Jun 3, 2019
  • 1 min read

KUMURAP ang kampanya ni Dottie Ardina ng Pilipinas at dahil sa lupit ng oposisyon ay dumausdos siya palabas ng top 20 na posisyon pero may isang round pa ang natitira para makabawi ang Pinay sa prestihiyosong 2019 U.S. Women’s Open Golf Championship sa palaruan ng Country Club of Charlestone sa Charlestone, Carolina.

Pagkatapos ng opening round na even-par-71 at one-under-par 70 sa pangalawang round, sumabit sa tatlong bogeys (hole nos. 4, 12 at 16) at isang double bogey (hole n. 11) si Ardina kaya nasipa palabas ng top 20 ang 2018 Symetra Tour Money List bridesmaid at dating world junior titlists na Pinay parbuster. Siya ngayon ay may kabuuang rekord na 217 at nasa pang-45 na baytang na ng torneong umakit ng 156-lady golfers mula sa iba’t-ibang parte ng daigdig.

Matatandaang magaan na nakapasok sa weekend play si Ardina dahil swak siya sa top 70 pagkatapos ng dalawang rounds. Kasama sa mga nag-empake ay ang pangunahing amateur bet ng bansa na si Yuka Saso matapos na magsumite ang Asian Games gold medal winner ng 6-over-par rekord.

Sa ngayon, magkasosyo sa trangko si Yu Liu ng China at French gem Celine Boutier dahil sa rekord nilang 206 na 7-under-par sa torneo. Nasa pangatlong posisyon ngayon ang dating nangungunang si Mamiko Higa (207) ng Japan kasama sina Lexi Thompson (USA) at Jaye Marie Green (USA). Ang highest-placed amateur ay si Gina Kim (211) ng USA na nasa pang-12 baitang sa kartada nitong 211.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page