After ni Matteo… ROBIN, IPINAGSIGAWANG PAPASOK NA RIN SA MILITARY

Nitz Miralles / BIDA

Nauna na si Matteo Guidicelli na pumasok sa Philippine Army bilang reservist, ngayon naman, si Robin Padilla ang nagpahayag na papasok din siya sa Philippine Army para sabayan ang mga kabataan na sasailalim sa Mandatory ROTC.
Pero may pahayag muna si Robin tungkol sa Mandatory ROTC. Aniya, “We have to be trained militarily to defend our country. Support the mandatory ROTC. Samantalahin natin ang pagkakataon na wala pang dayuhang mananakop ang pumipigil sa karapatan nating maipagtanggol ang ating Inangbayan hindi lamang sa digmaan kundi sa kalamidad.”
Sinundan ‘yun ng mas mahabang mensahe para sa mga kabataang Pilipino.
“Sasamahan ko kayo mula umpisa hanggang sa huli. Papasok ako sa Philippine Army Reserve para sa inyo upang masundan ko ang bawat ninyong hakbang tungo sa kabayanihan.
“Sa’n man tayo makarating, hindi ko kayo pababayaan. Tayo’y huhubugin ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas! Sabi nga ni Lt. Colonel Hal Moore ‘I will always be the first one on the battle field, and I will be the last one to step foot off the battlefield. Not only will I be the last one off, I will not leave any of my soldiers behind.’
“Hindi tayo iiwan ng AFP at ni Mayor PRRD, mga mahal na kabataan kaya’t tayo’y tumindig at bumangon nang nakataas ang dibdib at nakataas ang mga noo para sa Diyos! Para sa Inangbayan! Para sa kapwa Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang kagitingan ng ating lahi! Mabuhay ang katipunan!”
Lumalabas na marami ang pabor na ibalik sa mga paaralan ang Mandatory ROTC pero hindi maiwasan na may mga kontra rito.





Comments