Video scandal, kaya kumalat… LOISA, UMAMING SOBRANG NAGTIWALA SA TAONG KAKIKILALA PA LANG
- BULGAR

- Jun 2, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SA unang pagkakataon ay nagbigay ng pahayag sa Tonight with Boy Abunda noong May 31 ang young actress na si Loisa Andalio kaugnay ng kontrobersiyang kanyang kinasangkutan noong Marso.
Ayon sa aktres, marami siyang natutunan dito.
Aniya, “Kumbaga, kahit anong pagsubok ‘yung dumaan sa ‘yo, huwag kang susuko.
“Kumbaga, lahat ng nangyayari, dapat may lesson.
“Kasi kung walang lesson, wala lang ‘yun.”
Sa interview, hindi direktang tinukoy kung ano’ng kontrobersiya ang kinasangkutan ni Loisa, pero naging laman ng mga balita nang mag-viral ang diumano’y private video ng aktres.
Sa kanyang panayam sa TWBA, inamin ni Loisa na nagtiwala siya agad sa taong hindi niya kilala at ito ang sanhi ng kanyang kapahamakan.
Aniya, “Kumbaga, sa akin din, na huwag ding magtiwala agad basta-basta sa mga taong nakapaligid.
“Ako kasi, Tito Boy, parang magkita lang tayo isang beses, parang napakagaan na agad ng loob ko, or parang sobrang kaibigan na talaga kita.”
Paliwanag pa niya, “Parang ganu’n po, ‘yun lang ‘yung mahirap sa akin.
“Pero natutunan ko rin na, ayun, huwag magtitiwala agad basta-basta, pero hindi masamang maging mabuti sa kapwa.”
Sa panahon daw ng pagsubok, may mga taong naging sandalan si Loisa at ito ang kanyang pamilya at BF na si Hashtag Ronnie Alonte.
Aniya, “Sa family ko po talaga, Tito Boy, sila talaga ‘yung nandiyan sa akin.
“At sa mga kaibigan ko, kay Ronnie, kay Ronnie din.
“At sa mga sumusuporta sa akin.”
Dagdag pa ni Loisa, “Hindi ka talaga iiwan ng family, kahit ano pang mangyari sa ‘yo. Kahit na ikaw na ‘yung masama, ikaw na ‘yung ano… nandiyan sila.”





Comments