top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pedestrian bridges sa gov't. agencies

  • Mylene Alfonso
  • Jun 2, 2019
  • 1 min read

PLANONG makapagpatayo ng matataas na pedestrian bridges sa compound ng city hall ng Lungsod ng Quezon.

Layon nitong ikonekta ang bawat gusali upang maging mas mabilis ang mga trasaksiyon sa ahensiya na dapat din umanong tularan ng iba pang government agencies.

Kasabay nito, pinasinayahan ang bagong Finance building sa nasabing compound.

Ayon kay Mayor Herbert Bautista, kailangan nang baguhin ang mga pasilidad upang mabigyan ng maayos na serbisyo ang mga nag-aasikaso ng kanilang mga dokumento at nagta-transact ng negosyo.

Layunin din nitong maging maayos ang distribusyon ng mga serbisyo ng bawat gusali.

Samantala, ginagawa na rin ang mga social service at health building sa lugar.

Nauna nang nakapagpatayo ng regulatory offices at civil registry buildings sa nasabing compound.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page